JOSE GERVIC LABE, JR.
Paghanga
Araw at gabi, ikaw ang iniisip,
Sa aking pagtulog, ikaw ang panaginip.
Bawat minuto, bawat oras
Ninais kong ika'y mamalas.

Ano ba itong nararamdaman ko?
Paghanga sa isang katulad mo?
Bakit ba naman nagkakaganito?
Ni hindi nga tayo nagkausap ng husto.

Mapungay mong tingin, marahil
O sa matamis mong ngiti, dahil.
Kaya ako ngayon ay napalaguyo,
Lalo na kung tayo'y magkatagpo.

Oo, aaminin ko sa'yo,
Nahuhulog na 'tong puso ko sa'yo.
Siguro sasabihin mong, "di tayo dapat"
Pero para sa akin, "yun ang nararapat!"

Pinilit kong ika'y iwasan
Dahil alam ko namang wala itong mapuntahan,
Ngunit kahit anong gagawin ko
Lalong umaalab 'tong puso ko sa'yo.

Isipin mo ang gusto mong isipin,
Sabihin mo ang nais mong sabihin.
Ngunit ito lang ang maisagot ko,
"Mahal na kita, sana ganun din sa'yo".
© Copyright 2011 In the manGer(vic), He sleeps (gervic at Writing.Com). All rights reserved.
InkSpot.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
... powered by: Writing.Com
Online Writing Portfolio * Creative Writing Online