JOSE GERVIC LABE, JR.
Bagong Sibol (Tagalog)
Noong ako'y bata, mangmang sa lahat
Mga katangunga'y sinasagot dapat.
Ang isipan ko noo'y sa laro nakatuon
Mahalagang bagay itinakwil ni'ndi nilingon.

Sa aking paglalakbay
Mga magulang ko'y siyang kaagapay
Sa mga gintong aral, binusog ako't tinuruan
Upang lumaking may Kasarinlan.

Ako'y tila punla na bagong sibol
Inaalagaan, para ito'y yumabong
Sa init ng araw ito'y itinaggol
Upang di matamlay o madaling mapupol.

Sa bawat gawin ko, ako'y binantayan
Sa lahat ng oras ako'y pinagmasdan.

Mga panaho't oras, dumaang kay dali
Lumaki ako nayong puno ng lindi.
Ang yaong pagsubok, aking iwinaksi
At nang makarating sa mithiing yari.
© Copyright 2011 GERVIC🐉 (gervic at Writing.Com). All rights reserved.
InkSpot.Com, its affiliates and syndicates have been granted non-exclusive rights to display this work.
... powered by: Writing.Com
Online Writing Portfolio * Creative Writing Online